Magpasuri

Halos 90% kada araw na nagpopositibo sa HIV ay lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki. Alamin kung saan ka maaaring magpa­-test, ano ang iyong mga dapat asahan at ang mga pwedeng lagdaan para regular na makatanggap ng mga paalala.

Madali at mabilis lang magpa­-test. Libre at sikreto ito sa mga sumusunod na klinika na sanay sa mga pangangailangan at isinasaalang­alang nating mga “gay men”. Posible rin na ang klinikang ito ay may PrEP o Pre Exposure Prophylaxis na isa ring namang paraan upang makaiwas sa HIV.


To see all of the clinics, use the map control “+” and "-" to zoom in and out.

Sikreto at madali lang ang pagpapa­test, sundin lang ang mga sumusunod:

1. Magparehistro at Sumailalim sa Pre­-Test Counseling

  • Kumuha at sagutan ang informed consent form mula sa receptionist
  • Kapag ikaw na ang sasalang sa test, tatawagin ang iyong number ng nurse o ng counselor at ipapaliwanag sa iyo ang proseso at kahulugan ng magiging resulta.

2. Pagkuha at Pagsuri sa Iyong Dugo
Maaaring kumuha ang iyong counselor ng dugo sa iyong daliri o kaya naman ang isang nurse / medical technologist sa iyong braso, lalagyan ng tanda at ng iyong pangalan ang nakuhang dugo. Ang resulta ay lalabas sa loob ng 20 – 45 minuto.

3. Post-Test Counseling at Pagpapaliwanag ng Resulta
Tatawagin ka ng counselor o ng nurse sa isang pribadong silid upang ibahagi sa iyo ang resulta. Dalawa ang posibleng maging resulta

  1. Positibo (Reactive)
  2. Negatibo (Non-­reactive)

Sa pagsusuri ng dugo para malaman kung ito ay positibo sa HIV, ginagamitan ito ng 2 – 3 test kits na may iba’t­ibang paraan para suriin ang dugo. Ayon sa protocol, kung ang unang pagsusuri ay naging positibo, ang dugong ginamit ay kinakailangang sumailalim sa ikalawang pagsusuri at ikatlong pagsusuri. Kung naging positibo sa tatlong pagsusuring ito, saka pa lang sasabihing positibo nga sa HIV ang kliyente.

Kung ikaw ay naging positbo sa HIV, huwag mag-­alala. Maraming mga nagpositibo sa HIV ang nabubuhay pa rin nang matagal, malusog, masaya at normal dahil sa paggamit ng Antiretroviral treatment at pananatili ng ligtas na pakikipagtalik. Gayundin, maraming mapagkukunan ng suporta ang mga nagpositibo sa HIV.

Makatatanggap ka ng payo kung paano aalagaan ang iyong sarili at ang mahal mo sa buhay. Tandaan na ang HIV ay hindi ura­-uradang naipapasa o nakahahawa. Hindi ito maisasalin sa pagkain, inumin, laway, halik, kagat ng lamok, yakap o hawak. Gayunman, iwasan ang pakikipagtalik ng walang proteksyon. Sa gayon, maiiwasan mo rin na makakuha pa ng ibang uri ng sakit na may kinalaman sa pakikipagtalik at maiiwasan ding makahawa sa iba. Maaari ka pa ring makipag­-sex, siguraduhin lang na ligtas at gumagamit ng proteksyon.

Maaaring hilingin ng nurse na kausapin mo ang lahat ng iyong nakatalik noong nakaraang anim na buwan. Maaari mo kasing nahawaan nang hindi sinasadya ang mga naka­-sex mo. Kinakailangan mong sabihin sa kanila na magpa-­test din upang malaman nila ang kanilang status.

Tandaan!

Hindi mo kinakailangang sarilinin ito. Maaari mong sabihin sa iyong kaibigan bago mo sabihin sa iyong pamilya kung hindi ka pa komportable na aminin sa iyong pamilya ang iyong kalagayan. Iyon ay karapatan mo. Gayunman, kinakailangan mo ng mapagkakatiwalaang kaibigan na masasabihan ng iyong kalagayan. Tandaan na hindi mawawala ang HIV kung ipagsasawalang­-bahala mo ito.

Kung sa tingin mo ay hindi mo kayang sabihin ito sa iyong kaibigan o pamilya, maaaring ibahagi sa iyo ng nurse ang listahan ng mga organisasyon sa Metro Manila na makatutulong sa iyo.

Narito ang ilang organisasyong maaaring makatulong:

  • Pinoy Plus Association Inc.

    • Address: 1805 Pedro Guevarra Street, Sta. Cruz, Manila, Philippines
    • Contact Number: (02) 743 7293
    • Email: pinoy.plus@yahoo.com.ph or plus.pnoy1@gmail.com
    • Facebook: http://facebook.com/pinoyplus
  • Positive Action Foundation Philippines, Inc. (PAFPI)

    • Address: Bahay Kanlungan Center 2615 Dian St., Malate, Manila, Philippines 1004
    • Contact Number: (02) 404 2911 or (02) 528 4531s
    • Email: positiveactionfoundation@yahoo.com
  • The Project Red Ribbon Care Management Foundation, Inc. (TRR)

    • Address: Unit 607 Lumiere Suites, #21 General Capinpin Street, Barangay San Antonio, Pasig City
    • Contact Number: 09196429286, 09771312046, 09063892402, 09178990473, 09162162066
    • Email: contact@projectredribbon.org
    • Web: http://pozziepinoy.blogspot.com
  • Yoga For Life Foundation

    • Contact Number: 09179546325
    • Email: yogaforlife.ph@gmail.com
    • Web: http://www.yogaforlife.ph

Upang matutunan at malaman kung anong susunod na gagawin kung ikaw ay nagpositibo, tingnan ang Live Positively page ng website na ito.

Gaya nang naunang nabanggit kaugnay sa pagpapa-­HIV test, karaniwang ginagamitan ito ng 2 - ­3 test kits na may iba’t­i-bang paraan para suriin ang dugo. Pero kung sa unang test kit pa lang, na kadalasang may pinaka­masinsing paraan ng pagsusuri ng dugo, ay lumabas na “non-­reactive” ito, agad nang ipinapaalam sa’yo na ikaw ay negatibo sa HIV.

Kung negatibo ka sa HIV, makatatanggap ka pa rin ng counseling para sa mga dapat gawin para manatiling negatibo sa HIV at magkaroon din ng masaya at ligtas na pakikipagtalik. Kabilang sa mga imumungkahing gawin ay ang regular na pagpapa-­HIV test kada tatlong buwan.

Mangyaring sumangguni rin sa aming Panatilihing Ligtas na bahagi ng website para sa impormasyon kung paano mananatiling aktibo sa pakikipagtalik habang pinangangalagaan ang iyong kalusugan at ng iyong mga katalik.

Schedule

Maaari mong makalimutan kung kailan ang huli mong pagpapa­-test at kailan ang susunod. Maaari mo ring makalimutan kung tuwing kailan ba talaga dapat nagpapa­-test.

Email

Kung madalas kang makipag-­sex, madalas ka ring dapat nagpapa­test. Lahat ng lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki ay kinakailangang makapagpa­-test ng isang beses sa isang taon, kahit isa lang ang iyong ka-­sex. Kung ikaw naman o ang iyong partner ay may nakak-­sex bukod sa isa’t isa, kailangang magpa­-test tuwing ika­anim na buwan subalit kung paiba­iba kayo nang nakaka­-sex, gawin ito tuwing ikatlong buwan.

Details

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon na nasa ibaba, makatatanggap ka ng libre at pribadong paalala kung kailan ka dapat magpa­-test. Piliin kung saan mo nais ito matanggap: maaaring sa pamamagitan ng email o kaya naman ay text.

Ipaalala Mo sa Akin

Nakarehistro na at kailangang baguhin ang ibang nilalaman?

Punan ang mga hinihingi