Panatilihing Ligtas

Tingnan ang mga impormasyon kung paano ka magiging aktibo sa pakikipag­-sex nang naaalagaan at napoproteksyunan ang iyong mahal o ka-­sex.

Hindi importante kung ikaw ang nasa ibabaw (top) o ikaw ang nasa ilalim (bottom) o parehas (versa) na pwede. Hindi rito nakasalalay ang ikahahawa mo sa sakit. Maging ligtas sa paggamit ng condom at water-­based lubricant o pampadulas upang maiwasan ang HIV. Ang dalawang ito ang pipigil sa pagpasa ng fluids o likido na maaaring may HIV (tamod o likido sa pwet ng taong may HIV)

Step 1: Kapag matigas na ang ari, tanggalin na ang condom sa lalagyan gamit ang kamay at hindi ngipin. Pindutin ang ibabaw upang matanggal ang hangin (kung mero’n) at dahan­-dahang isuot sa ulo ng iyong ari. Huwag hilahin ang condom saka isuot sa ulo upang maiwasang mapunit.

Step 2: Irolyo ang condom pababa sa nakatayong ari. Abutin ang haba ng iyong ari upang maiwasang matanggal ang condom. Lagyan ng pampadulas na water­-based ang condom at lagyan din ng pampadulas ang pwet. Huwag lagyan ng pampadulas ang ari bago ilagay ang condom upang maiwasang matanggal ang condom.

Step 3: Tingnan ang condom paminsan minsan upang masigurong hindi ito napunit. Kung matagal ang pakikipag­-sex, muling lagyan ng lubricant. Kung huhugutin na ang ari, mangyaring hawakan ang laylayan ng condom at ang ari para matiyak na hindi maiiwan ang condom sa ari ng katalik. Hugutin ang ari bago ito manlambot.

Dahilan kung bakit posibleng pumalya ang condom:

  • Hindi marunong maglagay ng condom.
  • Pagtanggal ng condom sa pagkakarolyo bago pa isuot sa ari.
  • Paggamit ng oil-­based lubricants gaya ng cream, lotion, at shampoo.
  • Paglagay ng lube sa maling bahagi (ga’ya ng paglagay sa ari bago magsuot ng condom o ‘di paglalagay ng lube sa puwet.
  • Matagalang pakikipag­-sex nang hindi nagpapalit ng condom.
  • Paggamit ng luma o expired na condom (tingnan palagi ang petsa).
  • Paggamit ng maling size ng condom.

Siguruhing bumisita sa mga mga klinikang katuwang ng TestMNL na para matiyak na libre ang mga condom. Maaari ring bumili sa mga supermarket, pharmacy at convenience store.

Narito ang ilan sa mga Madalas na tanong tungkol sa mga STIs. Maaring pindutin ang bawat tanong para Makita ang sagot

Ang STIs ay mga sakit na naipapasa sa pakikipagtalik kung hindi gumamit ng condom o kaya naman mga sakit na naipapasa sa pamamagitan ng iba pang gawaing may kaugnayan sa pakikipagtatalik.

Marami sa mga sakit na ito ay walang sintomas kaya makabubuting komunsulta at magpa­-test. Para sa lalaki, ito ang ilang palatandaan at sintomas:

  1. May lumalabas na hindi pangkaraniwang likido sa ari o sa butas ng pwet.
  2. Masakit at parang nagliliyab na pakiramdam habang umiihi.
  3. Pangangati, pamumula o pamamaga ng ari o ang ilalim ng ulo ng ari.
  4. Nagkakaroon ng singaw, paso, o parang kulugo sa ari.

Oo, ito ay madalas na naipapasa at pangkaraniwan dito sa Metro Manila ang STIs tulad ng syphilis at gonorrhea

Kinakailangang magpa-­test kung sa tingin mo ay nagkaroon ka ng hindi maingat na pakikipagtalik. Madalas ang STIs ay walang sintomas kaya kinakailangan mo pa ring magpatingin kahit pakiramdam mo ay wala ka nito dahil sa kawalan ng sintomas. Kung sa tingin mo naman ay nahawaan ka o mayroon ka nito, umiwas muna sa pakikipag­-sex at magpatingin sa duktor.

Pindutin ito para hanapin ang mga klinika dito sa Metro Manila.

Karamihan sa STIs, kung maagang madidiskubre ay madali namang gamutin. Magkakaiba ang gamot sa bawat isa. Karaniwan ang pag­inom ng gamot, paglagay ng iniresetang pamahid o minsan ay injection. Kailangang tapusin ang buong gamutan. Sundin ang payo ng doktor na huwag munang makipagtalik upang maiwasang maipasa ito o makakuha ng panibagong sakit.

Maraming paraan na hindi makakuha ng ganitong sakit. Unang­-una at pinaka­-epektibo ang paggamit ng condom at water-­based lubricant o pampadulas. Alamin dito kung paano pa maiiwasan ang mga ganitong sakit. here.

Kung may tanong ka tungkol sa PrEP o may gusto pang malaman, pindutin ang isa sa mga “Madalas na Tinatanong” tungkol dito na nakalista sa ibaba.

Paalala: Hindi ito opisyal na payo mula sa mga duktor at ito ay pagbibigay lang ng ilang batayang impormasyon. Kung nais mong gumamit ng PrEP, pinapayong komunsulta sa iyong doctor o sa mga counselor para mabigyan ka ng buo at tiyak na impormasyon.

Ang PrEP o Pre­-Exposure Prophylaxis ay mabisang paraan upang mapigilan ang paglaganap ng HIV. Mainam itong pangontra sa pagkahawa ng HIV ng indibidwal na negatibo sa HIV.

Panoorin ang video na ito tungkol sa PrEP

Ang PrEP ay hindi para sa lahat pero maaaring gamitin ng ilang may mas mataas na tsansa o posibilidad na mahawa ng HIV at sang-­ayon sa pag­-inom ng gamot araw­-araw.

Kung Oo ang sagot mo sa mga sumusunod na mga katanungan sa ibaba, Maaaring pwede ang PrEP sa iyo:

  • Minsanan ka lang bang gumamit ng condom o hindi pa kailanman?
  • Madalas ka bang magkaroon ng STIs?
  • Nakagamit ka na ba ng Post Exposure Prophylaxis (PEP) nang higit sa isang beses nitong nakaraang taon?
  • Ikaw ba ay nasa serodiscordant na relasyon na kung saan ang partner mo ay positibo sa HIV at ikaw ay hindi?
  • Ikaw ba ay nasa bukas na relasyon o nakikipagtalik sa iba’t-­ibang tao?
  • Nakikipagtalik ka ba sa taong hindi mo alam ang HIV status?
  • Nakikipagtalik ka ba sa isang lugar na may naitalang mataas na kaso ng HIV?

Hindi namin nais na pilitin kang gumamit ng condom o makialam sa iyong sex life. Nakasalalay ang tanong na ito sa mapagkakasunduan ninyo ng iyong partner. Gayunman, ang condom ay napatunayang mabisang paraan upang mapababa ang tsansang mahawa o makapanghawa ng HIV. Batid naming marami pa rin ang hindi gumagamit ng condom kaya ang PrEP ay isa sa maaaring isaalang-­alang.

Gayundin, nais naming ipaalala na ang PrEP ay hindi proteksyon sa iba pang STIs gaya ng gonorrhea, chlamydia o syphilis. Ang paggamit ng condom ay ang pinakamabisa pa ring istratehiya na makaiwas sa HIV at iba pang STIs.

Hindi. Maraming tao ang pabago­-bago ang gawain na may kinalaman sa pakikipag-­sex. Minsan siya ay nasa risky na gawain gaya ng paiba­-iba nang nakaka­-sex at minsan naman ay hihinto siya at makakahanap ng isang taong makakarelasyon at pipiliing eksklusibo ang pakikipag-­sex sa kanilang dalawa. Kung ikaw ay pabago-­bago ng partner, maaari mo itong gamitin subalit sakaling tumigil ka na sa ganung gawain, maaari mo na ring itigil ang paggamit ng PrEP.

Sapat na paghahanda at oras ang kailangan bago ang PrEP ay mabuo at magkaroon ng kakayanang maproteksyunan ang iyong katawan. Inaalam pa kung ano ang eksaktong haba ng panahon na kailangan. Gayunman, pitong araw lang na walang tigil na pag­-inom ng PrEP ang kailangan para sa lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki para magkaroon ito ng bisa na maproteksyunan ang anal tissue.

Mahirap talaga maalala ang pag-­inom ng gamot pero kung magiging bahagi ito ng pang-­araw­-araw na gawain, makakasanayan mo rin ito. Kung sakaling makalimutan mong uminom, gawin ito sa loob ng araw ding iyon. Kung tuwing gabi ka umiinom at makalimutan mo, uminom nito kinaumagahan kasabay ng almusal. Gayunman, importante na sundin ang oras na iyong itinakda sa pag-­inom ng gamot. Makipag­-usap din sa iyong duktor o sa mga iba pang gumagamit ng PrEP upang mabigyan ka rin ng ilang payo.

Depende sa oras na pag­-inom mo, may ilang suhestiyon upang ito ay madali mong maalala. Halimbawa, kung sa umaga o sa gabi ka umiinom, maaari mo itong itabi sa iyong toothbrush. Maaari mo ring itakda ito araw-­araw sa iyong alarm sa cellphone.

Kinakailangan mo itong inumin araw­-araw para maging epektibo ito. Tanungin ang iyong doctor upang makakuha pa ng ilang payo na makatutulong sa iyo na mainom ito araw­-araw.

Bago ka mag-­PrEP, kailangang ikaw ay makasigurong negatibo sa HIV. Kung ikaw ay positibo sa HIV, maaaring makasama ang PrEP sa iyo at hindi na makatulong ang iyong gamot pang-­HIV sapagkat kakayanin ng virus na labanan ang gamot na iyong iniinom.

Kung ikaw ay nasa PrEP, kinakailangan mong magpa­-test tuwing ikatlong buwan.

Sa mga unang Linggo ng paggamit ng PrEP, sinasabi ng ilang gumamit nito na nakararanas sila ng pagkahilo, pagsusuka at masamang pakiramdam subalit kalaunan ay nawawala rin ito. “Start-­Up Syndrome” ang tawag dito.

May ilang sumailalim din sa PrEP clinical trial na nagkaroon ng resulta sa kanilang blood test na may kinalaman sa bato o kidney. Hindi sila kinakitaan ng anumang pisikal na sintomas nito kaya mainam para sa gumagamit ng PrEp na regular na magpasuri sa bato para matiyak ang kalusugan nito.

Sa mga pag-­aaral, mayroon ding naitalang pagbaba ng “bone mineral density” sa mga gumamit ng PrEP sa unang buwan. Pero, hamak na maliit lang ang naitalang pagbabago at hindi naman lumala sa paglipas ng panahon. Hindi rin nito pinataas ang tsansa ng fracture o mabalian ng buto. Sa oras din na ihinto ang paggamit ng PrEP, inaasahang bumabalik sa normal ang bone mineral density.

Parehong mga dayuhan at mga Filipino ang maaaring maka-access ng PrEP sa hinaharap sa pamamagitan ng pagsagot sa form na ito.

Parehong dayuhan at mga Filipino ang maaaring maka-access ng PrEP sa abot-kayang halaga, pakisagutan lamang ang form na ito, at sa oras na magkaroon ng pagkakataon, aabisuhan namin kayo para sa susunod na hakbang. Maaaring magkaroon ng karagdagang gastusin para sa kidney tests kasabay ng pagbili ng gamot.

Alamin kung makakakuha ka ng PrEP sa ibang bansa o online sa PrEP MAP ng APCOM.

Ilang dapat tandaan sa pakikipagtalik na may droga

Dahil sa hilig natin sa mga party upang magsaya at ma­-relax, madalas ay nauuwi ito sa mga pagkakakilala sa iba’t-­ibang tao. Minsan rin, ang mga party na ito ay nagiging delikado dahil sa pagpasok o paggamit ng droga. Ito yung ayaw na ayaw ng magulang mo.

Depende sa droga na gagamitin, madalas ay napapalakas nito ang iyong loob, napapataas nito ang sarap, sensasyon at istimulasyon, at napapababa nito ang sakit o hapding nararanasan sa pakikipagtalik (lalo na kung pangmatagalang pakikipag­-sex). Gayunman, kasama nito ang mataas na posibilidad na mahawa ng sakit gaya ng HIV at iba pang STIs na maaari ring makasira ng iyong pisikal at emosyonal na kalagayan.

Ang TestMNL ay nagbibigay ng mga sumusunod na kaisipan na dapat mong tandaan kung ikaw ay nasa ganitong gawain.

1. Pinagbabawal sa ating bansa ang paggamit ng droga may kaukulang parusa na itinakda ng batas. Maaari rin nitong sirain ang iyong reputasyon, pamilya, at kinabukasan.

2. Kung gumagamit o gagamit ka nito, siguruhing may tiwala ka o pinagkakatiwalaan mo ang kasama mo. Bago ito gawin, pag­-usapan ang mga limitayon at pagkasunduan kung ano ang iyong gagawin at alin ang hindi pwede.

3. Huwag itong gawin o gamitin nang madalas upang hindi ka tamaan ng depresyon, pagbaba ng timbang at hanap-hanapin ng iyong isip at emosyon. Subukan ding makipagtalik nang walang droga, makipag-date at mag-isip ng mga gawaing magpapakita ng iyong pagmamahal o pagtingin sa partner na hindi lang puro sex gaya ng pamamasyal, paglalaro, pagpunta sa gym, at iba pa.

4. Huwag itong masyadong patagalin; madalas ang pagkabalisa, pagkatakot at pagkakita ng kung ano-­ano o hallucinations lalo na sa ikalawang araw. Nakakatakot ito at delikado. Pumunta sa ospital kung sa tingin mo ay hindi mo na kaya.

5. Huwag ipahiram ang iyong hiringgilya o karayom. Dapat ay malinis at laging bago ang gagamiting hiringgilya.

6. Huwag mong hayaang ibang tao ang mag­-inject sa’yo kung hindi ka pamilyar kung ano ba ang tamang paraan ng pag­-inject. Kung hindi ka naman marunong mag­-inject, humanap ng kakilala o mapagkakatiwalaan na gagawa nito sa’yo o di kaya ay tumingin at aralin sa pamamagitan ng internet.

7. Palaging magpa­-test sa HIV at STIs kasama na ang hepatitis C. Pinapataas ng pakikipag-­sex na may droga ang posibilidad na ikaw ay magkasakit.

8. Maaari ring sumailalim sa PrEP, ito ay isang paraan upang maiwasan ang pagkahawa sa HIV na kung saan ang isang negatibo sa HIV ay maaaring uminom ng pangontra sa HIV at maiwasan ang mahawa sa taong may HIV. Ito ay araw­-araw na iniinom at pinapababa nito ang tsansang magkasakit nang 92%. Mabuti rin ito sakaling malimutan mong gumamit ng condom habang nakikipagtalik nang nakadroga.

9. Gamitin ang iyong mga gabi at mga libreng araw nang hindi lang nakikipag­-sex. Tumingin ng mga gawaing kahihiligan mo kasama ng iyong mga kaibigan gaya ng sports at iba pang Gawain dito sa Metro Manila.

Kung sa tingin mo ay may problem ka at nais mong tigilan ito, tignan ang listahan ng mga grupo o samahan na maaari mong kausapin. Tinitiyak namin na ito ay makauunawa sa iyo at hindi ka huhusgahan.

Nagpaplano ka ng Party?

Umorder ng libreng Party Packs ngayon!